Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ang Tekstong Prosidyural

Ang Tekstong Prosidyural     Isang espesyal na uri ng tekstong expository ang tekstong prosidyural. Inilalahad nito ang seye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa ang isang bagay. Layunin nitong maipabatid ang mga wastong hakbang na dapat isagawa. Sa panahon ngayong maraming mga bagay ang sinasabi nilang do-it-yourself o 'yung mga bagay na sa halip na kumuha ng iba pang gagawa ay ikaw na mismo ang gagawa, nararapat lamang na marunong tayong umunawa sa mga prosidyur na nakalakip dito. Ang wastong pag-unawa sa mga prosidyur ang gagabay sa atin upang matagumpay na maisagawa ang isang bagay.        Hindi sapat na marunong tayong umnawa sa mga tekstong prosidyural, dapat ding magkaroon tayo ng kakayahang sumulat ng isang prosidyur na mauunawaan ng lahat. Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, kailangang malawak ang kaalaman sa paksang tatalakayin. Nararapat ding malinaw at tama ang pagka...
Mga kamakailang post

Pag-aaplay ng Lisensiya sa Pagmamaneho

Kung kailangan mo ng lisensiya sa pagmamaneho, sagutin mo ang mga tanong ng oo o hindi. Ikaw ba ay 18 taong gulang na o higit pa?  Mayroon ka na bang student permit mula sa Land Transportation Office (LTO)? Kung mayroon na, ang iyong student permit ba ay isang buwan na o mahigit pa?  Marunong ka na ba magmaneho? Mayroon ka na bang medical certificate na nagpapatunayna ikaw ay may malusog na pangangatawan at maaaring makapagmaneho? Ang iyong medical certificate ba ay nagmula sa isang klinika na accredit ng LTO? Kung ang sagot mo sa lahat ng katanungan sa itaas ay oo, maaari ka nang pumunta sa anumang opisina ng LTO. Unang Hakbang. Pumunta sa customer service center at kumuha ng application form. Bibigyan ka rin ng bilang para alam mo kung pang-ilan ka sa pila ng ipo-prosesong aplikasyon. Ang larawan sa kanan ay ang application form  para sa lisensiya. Kompletuhin ang mga hinihinging detalye sa form. Ikalawang Hakbang.  Ipasa sa evaluation counter ang...