Lumaktaw sa pangunahing content

Pag-aaplay ng Lisensiya sa Pagmamaneho

Kung kailangan mo ng lisensiya sa pagmamaneho, sagutin mo ang mga tanong ng oo o hindi.

  • Ikaw ba ay 18 taong gulang na o higit pa? 
  • Mayroon ka na bang student permit mula sa Land Transportation Office (LTO)? Kung mayroon na, ang iyong student permit ba ay isang buwan na o mahigit pa? 
  • Marunong ka na ba magmaneho?
  • Mayroon ka na bang medical certificate na nagpapatunayna ikaw ay may malusog na pangangatawan at maaaring makapagmaneho? Ang iyong medical certificate ba ay nagmula sa isang klinika na accredit ng LTO?
Kung ang sagot mo sa lahat ng katanungan sa itaas ay oo, maaari ka nang pumunta sa anumang opisina ng LTO.

Unang Hakbang. Pumunta sa customer service center at kumuha ng application form. Bibigyan ka rin ng bilang para alam mo kung pang-ilan ka sa pila ng ipo-prosesong aplikasyon. Ang larawan sa kanan ay ang application form para sa lisensiya. Kompletuhin ang mga hinihinging detalye sa form.

Ikalawang Hakbang. Ipasa sa evaluation counter ang nakompletong application form. Dito ay titingnan ng evaluator kung kumpleto at wasto ang mga datos na isinulat mo sa application form.

Ikatlong Hakbang. Hintaying tawagin ka para sa pagkuha ng larawan at pirma.

Ikaapat na Hakbang. Kapag muling tinawag ang pangalan ay magbayad na ng application fee.

Ikalimang Hakbang. Pumunta sa Examination Room upang sagutan ang pasulat na pagsusulit. Hintayin ang resulta ng pagsusulit. Kung ikaw ay pumasa, maghintay na tawagin ka para sa ikaanim na hakbang. 

Ikaanim na Hakbang. Pagsusulit na aktuwal. Kasama ng isang opisiyal ng LTO, ikaw ay aktuwal na magmamaneho upang matiyak kung karapat-dapat kang bigyan ng lisensya sa pagmamaneho. Kapag nakapasa ka ay pupunta kang muli sa kahera upang bayaran ang iba pang dapat bayaran.

Huling hakbang. Hintaying tawagin ka para sa pagkuha ng iyong bagong lisensiya. Ipakita ang resibo upang makuha ito. 

Mayroong dalawang uri ng lisensiya, ang professional at ang nonprofessional. Professional driver's license ang kukunin kung kakailanganin mo ito sa iyong hanapbuhay. Ito ang mga lisensiya ng mga jeepney, bus, taxi, trak, o tricycle drivers. Nonprofessional driver's license naman kung gagamitin moito sa pribadong pagmamaneho. 

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang Tekstong Prosidyural

Ang Tekstong Prosidyural     Isang espesyal na uri ng tekstong expository ang tekstong prosidyural. Inilalahad nito ang seye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa ang isang bagay. Layunin nitong maipabatid ang mga wastong hakbang na dapat isagawa. Sa panahon ngayong maraming mga bagay ang sinasabi nilang do-it-yourself o 'yung mga bagay na sa halip na kumuha ng iba pang gagawa ay ikaw na mismo ang gagawa, nararapat lamang na marunong tayong umunawa sa mga prosidyur na nakalakip dito. Ang wastong pag-unawa sa mga prosidyur ang gagabay sa atin upang matagumpay na maisagawa ang isang bagay.        Hindi sapat na marunong tayong umnawa sa mga tekstong prosidyural, dapat ding magkaroon tayo ng kakayahang sumulat ng isang prosidyur na mauunawaan ng lahat. Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, kailangang malawak ang kaalaman sa paksang tatalakayin. Nararapat ding malinaw at tama ang pagka...