Ang Tekstong Prosidyural Isang espesyal na uri ng tekstong expository ang tekstong prosidyural. Inilalahad nito ang seye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa ang isang bagay. Layunin nitong maipabatid ang mga wastong hakbang na dapat isagawa. Sa panahon ngayong maraming mga bagay ang sinasabi nilang do-it-yourself o 'yung mga bagay na sa halip na kumuha ng iba pang gagawa ay ikaw na mismo ang gagawa, nararapat lamang na marunong tayong umunawa sa mga prosidyur na nakalakip dito. Ang wastong pag-unawa sa mga prosidyur ang gagabay sa atin upang matagumpay na maisagawa ang isang bagay. Hindi sapat na marunong tayong umnawa sa mga tekstong prosidyural, dapat ding magkaroon tayo ng kakayahang sumulat ng isang prosidyur na mauunawaan ng lahat. Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, kailangang malawak ang kaalaman sa paksang tatalakayin. Nararapat ding malinaw at tama ang pagka...